WebClick Tracer

Manila Police nakatanggap muli ng booster shot vs Covid

Nakatanggap na ang mga pulisya sa Maynila ng kanilang ikalawang booster shot kontra sa COVID-19.

Isinagawa ang pagtuturok ng booster sa Rizal Hall ng Manila Police District (MPD) Headquarter nitong Martes.

Sinabi ni MPD Public Information Officer Maj. Philipp Ines, dalawang araw gaganapin ang pagbibigay ng booster.

Aniya, nakatakdang maibakuna ang 1,985 booster shot sa unang araw ng bakunahan.

Nasa 1,679 naman target nilang maiturok sa ikalawang araw.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

TELETABLOID

Follow Abante News on