WebClick Tracer

Walang palya: Tim Cone walang mintis sa 1,700 laro

Maituturing din bilang ‘Iron Man’ sa PBA si Ginebra coach Tim Cone.

Ito’y dahil sa pagsipot ni Cone sa ika-1,700 laro bilang head coach kahapon, sa bakbakang Ginebra-Blackwater.

Nakapag-coach si Cone sa 1,700 laro nang dire-diretso, mula nang magsimula ang kanyang karera bilang coach ng Alaska noong 1989.

“I’ve never missed a game, either, in my career. I just talked to my wife about that because we did see the tweet,” wika ni Cone matapos ang panalo ng Ginebra kontra Blackwater.

““I’ve been sick a number of times, and still showed up. My kids were born, and still showed up, and my wife wasn’t real pleased, but I did anyway,” dagdag poa niya. “I mean, there have been reasons for me to miss, but thankfully for my family, I’ve never done that. And, so, it’s a record I’m really proud of.”

Mula 1989, 24 kampeonato na ang naibulsa ni Cone bilang coach. At 14 panalo na lang ay mayroon na siyang 1,000 panalo bilang head coach.

TELETABLOID

Follow Abante News on