WebClick Tracer

Andanar dumistansya sa planong pagpapapasok ng vloggers sa Palasyo

Dumidistansya ang Malacanang sa plano ng Marcos administration na payagang makapag-cover ang mga blogger at vlogger sa mga aktibidad sa Malacanang.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Martin Andanar na panloob na desisyon ito ng papasok na administrasyon kaya hindi na sila magkokomento hinggil dito.

“The plan to grant press credentials to bloggers in Malacanang is an internal decision of the incoming administration,” Ani Andanar.

Tutol ang ilang journalist at maging ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locson jr. sa plano ng papasok na administrasyon na payagang makapag-cover ang bloggers sa mga aktibidad sa Malacanang dahil hindi umano journalism ang blogging.

Bukod dito, ang mga journalist ay sinanay at mayroong sinusunod na code of ethics sa journalism at mayroong sistema ng validation para sa makatotohanang impormasyon at pagbabalita.

Sinabi ni Andanar na lahat ng mga tanong at pagtutol sa planong pag-cover ng bloggers sa Malacañang ay ipapaubaya na nila sa mga papasok na opisyal, partikular sa incoming Press Secretary.

“Any reaction or queries on the matter should therefore be best answered by the next administration’s Press Secretary -designate,” dagdag ni Andanar.

TELETABLOID

Follow Abante News on