WebClick Tracer

JV Ejercito: Hindi ako padrino ng driver na sumagasa sa sekyu

Itinanggi ni Senator-elect Joseph Victor “JV” Ejercito na pumapadrino siya sa driver ng sports utility vehicle (SUV) na nakasagasa sa isang security guard na nagmamando ng trapiko sa Mandaluyong City noong Linggo.

Dismayado si Ejercito sa reaksiyon ng mga netizen na inaakusahan siya ng pagpapadrino sa driver ng Toyota RAV 4 na nangbunggo sa sekyu matapos magparating ng mensahe ang isang emisaryo sa kanya na nakahanda na umanong sumuko sa mga awtoridad ang suspek.

“So ako pa ngayon ang Padrino? Gusto ko nga sapakin driver nitong Rav 4 ng mapanood ko ang video. Magbasa man lang sana bago mag kumento,” sabi ni Ejercito sa kanyang Twitter post.

“Sa socmed marami ang di nagbabasa, basta lang may masabi, ngayon ko napatunayan. Galit na galit ako sa nangyari sa pagsagasa sa guard, gusto ko upakan ang driver. Nag offer ako ng reward sa impormasyon. Ngayon padrino na daw ako at tiga areglo. Susme,” dagdag pa niya.

“Twitter is toxic. Gusto mo lang tumulong mahanap, napasama ka pa,” ayon pa sa senador.

Ginagamot ngayonsa VRP Medical Center ang guwardiya matapos magtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo at nahihirapan din itong makahinga.

Nauna nang nag-alok si Ejercito ng reward para sa sinumang makakapagturo ng kinaroroonan ng driver ng naturang SUV na sumagasa sa guwardiya.

“Putting up a P50k reward for any info regarding this evil and idiot driver who purposely ran over a traffic enforcer,” sabi ni Ejercito.

Noong Lunes ng gabi, sinabi ni Ejercito na nagpadala ng mensahe ang may-ari ng sasakyan sa kanya sa pamamagitan ng isang emisaryo.

“Owner of Toyota Rav 4 driven by his son sent a message for me through an emissary that they will shoulder the medical expenses of the guard and that they will face the consequences,” ayon kay Ejercito.

TELETABLOID

Follow Abante News on