WebClick Tracer

Andanar: Bilang ng nagugutom na pamilya, mas mataas noong 2020

Mas mataas ang naitalang bilang ng mga nagutom na pamilya noong 2020 kumpara ngayong Abril 2022.

Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesman Martin Andanar bilang sagot sa inilabas na survey ng Social Weather Stations kung saan umakyat sa 12.2% o 31 million na pamilya ang nagugutom kumpara sa 11.8% noong last quarter ng 2021.

Ayon kay Andanar, mas mababa ang 12.2% na naitala ng SWS survey ngayong Abril kumpara sa 16% noong huling bahagi ng 2020.

“Bagaman ay may pagtaas sa bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakakaranas ng gutom, mas mababa pa rin ang 12.2% ngayong Abril sa 16% noong huling bahagi ng 2020..” Ani Andanar.

Maiuugnay aniya ang nangyayaring kaguluhan sa Ukraine at Russia sa nararansang hirap ng pamilyang Pilipino dahil sa epekto nito sa presyuhan ng langis sa world market kaya naman may mga ipinatutupad na hakbang ang gobyerno para matugunan ang isyu ng kagutuman sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

“Patuloy nating tinutugunan ang isyu ng kagutuman. Kung inyong matatandaan po mga kababayan, nilikha ni Pangulong Duterte ang Inter-Agency Task Force on Zero Hunger sa pamamagitan ng Executive Order No. 101 noong January 2020. Kaya naman na bagaman ay may pagtaas sa bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakakaranas ng gutom, mas mababa pa rin ang 12.2% ngayong Abril sa 16% noong huling bahagi ng 2020,” dagdag ni Andanar.

Kasama aniya sa inisyatibang inilunsad ng gobyerno ay ang “Gulayan sa Barangay at sa Pamayanan” programs at iba pang livelihood projects para mabawasan ang kagutuman.

TELETABLOID

Follow Abante News on