WebClick Tracer

Suspek sa pagpatay natodas ng pulis

Patay nitong Linggo sa Antipolo ang isang hinihinalang suspek sa pagpatay ng mag-ina matapos mang-agaw ng baril sa pulis.

Ang lalaki umano ang suspetyang pumatay sa mag-ina sa Brgy. San Jose, Antipolo City, ani Antipolo Police.

Sa salaysay, pinasok ng suspek ang bahay ng mag-ina at sinubukang gahasain ang 51-anyos na ginang ngunit pinatay ito dahil umano nanlaban.

Patay din ang 19-anyos na anak nito dahil sinubukan umanong tulungan ang nanay.

Natunton ang suspek dahil sa mga bakas ng dugo na naiwan sa bahay pati ang dinaan nito.

“Ang naging resulta dugo mga bakas dugo maraming dugo sa traces pagtakas sa halamang patungo sa kanyang bahay. May bakas ng dugo. Nag-try nga siya linisin ang sarili,” saad ni Antipolo City Police Chief. Lt. Col. June Paolo Abrazado.

Nang mapuntahan ang bahay ng salarin, nakita rin sa loob ang drug paraphernalia at ang duguang damit.

Inaresto ang lalaki at nang dadalhin na sa presinto ay bigla umanong nang-agaw ng baril kung kaya napatay ito. (AMDJ)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

TELETABLOID