WebClick Tracer

Poe na-touch sa pagdalaw ni Pangulong Duterte sa burol ni Susan Roces

Poe na-touch sa pagdalaw ni Pangulong Duterte sa burol ni Susan Roces.

Na-touch si Senadora Grace Poe sa pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng kanyang inang si Susan Roces.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng senadora ang ilang larawan ng naging pagdalaw ng Pangulo.

Makikitang kasamang nakiramay ng Pangulo sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go.

“Pinahahalagahan ng aming pamilya ang kabutihang loob na magbigay-pugay sa aking ina ang Pangulo ng ating bansa. Maraming salamat, PRRD,” sambit ni Poe.

TELETABLOID

Follow Abante News on