WebClick Tracer

Andrea, Ricci landian sa pool kinaloka ng netizens

Naloka ang mga netizen sa landian nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero sa pool.

Nitong May 25 nagdiwang ang UP Fighting Maroons star player ng kanyang birthday.

Sa kanyang TikTok account, ibinahagi ni Andrea ang video ng celebration nila sa pool.

Naglaro sila ng “Who’s Who” challenge kung saan ilulubog ang ulo sa tubig ng pool ang “guilty” sa bawat tanong.

“Happy Birthday bebe haha,” saad ni Andrea.

Kabilang sa naitanong kung sino sa kanila ni Ricci ang pinaka-toyoin, pinaka-wild, sino mahilig manlait, sino malakas tumawa, sino palaging lasing, sino madalas magselos at sino ang madalas manuyo.

Karamihan ng tanong ay si Andrea ang guilty at palaging inilulubog ang ulo sa tubig.

Kita ang lambing ni Ricci kay Andrea na inakbayan at kiniss sa pisngi ang aktres.

Narito ang reaksyon ng ilang netizen:

“Sweetness overload. tanggal stress ko ha!”

“Cute NYU Po mag banding.”

“Naka ngiti nanaman ako tas may kasamang kilig.”

“Sakit nyu sa mata.”

“Hahaha matamis sa umpisa mapait pas ampalaya sa huli..gurl enjoy while in love maghihiwalay din kayo niyan pag tumagal.”

“Naol wild. Wild amazing stories.”

Panoorin ang video sa ibaba.

@blythe Happy Birthday bebe haha 💖@riccipaolorivero #fyp #fypシ ♬ original sound – CarlNeth – gwyneth