WebClick Tracer

Atty. Trixie Cruz-Angeles sa PCOO welcome sa Palasyo

Welcome sa Malacañang ang nominasyon ni Atty. Trixie Cruz-Angeles para pamunuan ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pagpasok ng bagong administrasyon.

Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesman Martin Andanar kasunod ng anunsiyo ng kampo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Angeles ang napipisil para maging pinuno ng PCOO, na pinangangasiwaan nito sa ilalim ng Duterte administration.

“The PCOO welcomes the nomination of Atty. Rose Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles to head the PCOO under the incoming administration,” ani Andanar.

Sinabi ng kalihim na hindi na bago kay Angeles ang PCOO dahil nagsilbi ito sa tanggapan sa mga unang taon ng Duterte administration.

Nagpaabot ng pagbati si Andanar kay Angeles sa kanyang bagong posisyon sa pagpasok ng Marcos Jr. administration.

“We wish Atty. Angeles all the best in her latest assignment,” dagdag ni Andanar.

Si Angeles ang dating chief ng Social Media ng PCOO.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

TELETABLOID

Follow Abante News on