WebClick Tracer

Vice Ganda iniintrigang aalis na sa Kapamilya network

Umuugong ngayon ang bali-balitang lilisanin na ni Vice Ganda ang ABS-CBN para lumipat sa Kapuso network.

Napag-usapan pa nga ito nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pocko sa vlog na Ogie Diaz Showbiz Update.

Nasagap umano ni Mama Loi na nakipagusap si Vice kay Direk Edgar ‘Bobot’ Mortiz, na dati niyang kasama sa ABS-CBN ngunit lumipat na sa GMA-7.

Dahil sa pagkikita ng dalawa, nagtsismisan na ang mga Marites na maaaring lilipat na nga ng network si Vice.

Isa pa sa mga nagpalakas ng tsismis ay ang hindi umano pagsipot ng komedyante sa kaarawan ni Cory Vidanes, isa sa mga big boss ng ABS-CBN.

Nananatili pa namang tikom si Vice sa gitna ng mga intriga.

TELETABLOID

Follow Abante News on