WebClick Tracer

Robin Padilla kay Drilon: Hindi ako takot mapahiya!

Nagsusunog na ngayon ng kilay ang aktor na si Robin Padilla bilang paghahanda sa kanyang anim na taong termino bilang senador ng bansa.

Ibinahagi ni Padilla sa kanyang Facebook ang ilang larawan kasama sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Energy Secretary Alfonso Cusi.

Makikita rin sa post ng aktor ang isang powerpoint presentation kung saan naka-flash ang proseso sa paggawa ng batas at mga alituntunin sa senado.

Sa isa pang hiwalay na post, binanatan ni Padilla si Senador Franklin Drilon. Ito’y kaugnay ng pahayag ni Drilon sa mga baguhang senador, gaya ni Padilla, na mag-aral upang ‘di mapahiya sa Senado.

“Hindi po ako natatakot mapahiya Wala pong nakakahiya sa pakikipaglaban hanggang sa huling hininga,” ani Padilla. “Susundin ko po lahat ang patakaran ng senado kaya po ako nag aaral Pero hindi ang manahimik dahil akoy ipapahiya ng tradisyon.”

“Buong buhay ko akoy ipinahiya na ngunit ito pa rin ako nakatindig pa rin hawak ang bandila ng Pilipinas Tsaka ko na po yuyukuan ang tradisyon po na inyong sinasambit kapag Meron na pong nakinabang sa 80 porsyento ng mga Pilipino naghihikahos,” dugtong pa niya.

Sa kabila ng kakulangan ng karanasan sa politika, nakahakot si Padilla ng mahigit 26 milyong boto para maging numero uno sa senatorial race. (MJD)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

TELETABLOID

Follow Abante News on