WebClick Tracer

Tulfo target pamunuan Senate labor committee

Muling inihayag ni Senator-elect Raffy Tulfo na nais niyang i-decriminalize ang libel at pamunuan ang Senate committee on labor sa nalalapit na 19th Congress.

“Ngayon pa lang sinasabi ko sa inyo, isa sa mga priority bills ko ay ‘yung ipa-decriminalize ‘yung libel,” pahayag ni Tulfo sa mga reporter matapos maproklama ng Comelec ang 12 nanalong senador sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Mayo 18.

Kinuwestiyon din ng batikang brodkaster kung bakit hindi ipinasa ng Senado ang Magna Carta for Media Workers. Aniya, isusulong niya ang agarang pagpasa nito sa susunod na Kongreso.

“Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin napipirmahan sa Senado. Although ‘yan po’y pumasa na sa first, second, and third reading sa Kongreso at ‘yan po ay nasa Senado na,” ani Tulfo.

“Pagdating ko po sa Senado, akin pong bubusisiin, tatanungin. Ako po ay gagawa ng mga inquiry kung bakit hindi pa napipirmahan ‘yan,” sambit pa niya.

TELETABLOID