WebClick Tracer

‘Para mag change na ako image’: Nikko bet sumabak sa pulitika?

Naloka ang madlang pipol sa tanong ni Nikko Natividad ukol umano sa kanyang balak na sumabak sa pulitika.

Nagtanong kasi ito sa kanyang followers kung dapat na ba siyang tumakbo bilang konsehal sa susunod na halalan.

Aniya, makakatulong umano ang opinyon ng kanyang mga fan para malaman na niya kung dapat na ba siyang maging seryoso sa kanyang mga post.

At para rin umano mabago na niya ang kanyang imahe.

“Takbo naba kong konsehal next campaign? Help nyo ako magdecide para di nako mag post ng kagaguhan at kabastusan. Para alam ko kung mag change nako image,” pahayag ni Nikko sa Twitter.

Samantala, sinakyan naman ng madlang pipol ang kakulitan ni Nikko. Ayon sa ilan:

“Pwede ka po sa Senado, artista ka naman. Baka mag-number 1 ka pa,” sey ng isa.

“Magstart ka ng gumawa ng mga action movies patok yan sa mga botante…alam mo na un. sure win k besh,” comment ng isa.

“Wag kang magchange ng image, panalo ka jan yan ang gusto ng mga Pinoy, ang joker sa gobyerno,” saad naman ng isa pa.

TELETABLOID

Follow Abante News on