WebClick Tracer

John Lapus tanggap pagkalaos ng 3 beses

Tanggap ni John “Sweet” Lapus na may mga bagong beking arista na ngayon ang sumisikat at siya naman ay laos na.

Ayon kay Sweet, tatlong beses siyang nalaos sa entertainment industry.

Marami umano sa mga kaibigan niya ang nagsasabing huwag niyang isipin na laos na siya. Ngunit para sa kanya ay ito ang katotohanan na dapat niyang tanggapin.

Lalo pa at may bago na siyang career bilang isang direktor.

“Tinanggap ko naman yung katotohanan na isa na akong laos na artista. Yung mga kaibigan ko sinasabi, ‘Wag mong sinasabi ’yun.’ No. Kailangan kong aminin ’yun because dahil doon, doon ko na-embrace itong bagong career ko as a director.

“Tatlong beses na yata akong nalaos. Ang unang laos ko, from ABS kinuha ako ng GMA. ’Yung mga kaibigan ko sinasabi, ‘Magdirek ka na. Ang baklang artista may time limit.’ Aba, jackpot, kinuha ako ng GMA noong 2006.

“Tapos, pangalawang laos ko nu’ng bumalik na naman ako (sa ABS). Then ito na nga ang ikatlo, tapos sabi nila sa akin, ‘Magdirek ka na.’ Ginaganu’n ako ng mga kaibigan ko,” pahayag ni Sweet.

Sa katunayan nga raw, hindi na niya kilala ang mga sumisikat na baklang artista ngayon kahit pa ito ay may milyong followers.

“Tinanggap ko na ang katotohanan. Ang daming bagong baklang artista, mga baklang artista, hindi ko kilala. Sikat pala sila sa social media. May ganu’n pala. ‘Ay, two million ang followers. Sino ba ito? Hindi ko kilala.’ ’Yung ganu’ng level. ‘Ah, okey. Laos na rin talaga ako. Ito na sila. Sila na ’yong bago,” wika pa ng komedyante.

Samantala, masaya naman si Sweet dahil siya ang napili na magdirek sa bagong sitcom nina Dingdong at Marian na “Jose and Maria’s Bonggang Villa.”

TELETABLOID

Follow Abante News on