WebClick Tracer

Malacañang bumuo na ng Transition Commitee

Bumuo na ang Malacañang ng Presidential Transition Commitee para sa maayos na pagsasalin ng kapangyarihan sa bagong administrasyon.

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ng gabi.

Ang Presidential Transition Commitee ang mangangasiwa sa pangkalahatang koordinasyon sa lahat ng transition activities ng buong gobyerno sa pagpasok ng bagong administrasyon.

“Mr. President, I would just like to report on the issuance of an administrative order that calls for the creation of the Presidential Transition Committee. In the past two weeks we have been preparing for the transition of the government of the next administration,” ani Medialdea.

Sinabi ng kalihim na pirmado na ang Administrative Order #47 na nag-uutos sa lahat ng ahensiya at kagawaran ng gobyerno na lumikha ng internal trasition committee para sa turn-over ng kanilang mga programa at proyekto.

Tiniyak ni Medialdea na tuloy-tuloy ang serbisyo sa publiko habang naglilipat ng mga tungkulin sa papasok na bagong administrasyon.

“The PTC will oversee the implementation of the transition activities of the entire government and see to it that delivery of services to the public remain unhampered,” dagdag ni Medialdea.

Magsisilbing Chairman ng Transition Commitee si Medialdea habang miyembro naman sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez III, Budget acting Secretary Tina Rose Canda at NEDA Director General Karl Kendrick Chua.

Tiniyak ni Medialdea na makikipagtulungan ang kanilang komite sa mga kinatawan ng susunod na administrasyon para matıyak ang maayos at mapayapang pagsasalin ng kapangyarihan.

“We will work closely work with the representatives of the incoming administration to ensure a peaceful and orderly transfer of power,” wika ni Medialdea. (Aileen Taliping)

Abantelliling with Ritz Azul

TELETABLOID

Follow Abante News on