WebClick Tracer

Meralco bawas singil ngayong Mayo

Inanunsyo ng Meralco nitong Miyerkoles ang rollback nila sa electricity rate para sa buwan ng Mayo.

Ayon sa electric company, dahil ito sa kautusan ng Energy Regulatory Commission sa power distributor na refund na nasa P7.8 bilyong sobrang koleksyon.

Ibig sabihin, ang mga kabahayan na kumukonsumo ng 200 kWh ay mababawasan ng P24 sa bayarin nila sa kuryente.

Ang mga may kumukonsumo naman ng 300 kWh ay P36 ang bawas habang ang 500 kWh ay makakatipid ng P60.

TELETABLOID

Follow Abante News on