WebClick Tracer

Jeannie Sandoval unang babaeng mayor ng Malabon

Gumawa ng kasaysayan sa Malabon City ang dating vice mayor nitong si Jeannie Sandoval.

Siya ang kauna-unahang babaeng mayor ng lungsod matapos manaig sa dikit na laban sa katunggaling si Councilor Enzo Oreta.

Batay sa 100% ng election returns, nakakuha si Sandoval ng 94,826 boto, mataas ng 1,279 boto kumpara sa nahamig na 93,547 votes ni Oreta.

“IT’S OFFICIAL! Proclaimed as the elected Mayor of Malabon City today. Nadinig po ang boses ng taumbayan and we’re looking forward to serving the people. Muli, maraming maraming salamat sa mga nakasama natin sa laban, mga sumuporta at hindi natakot na ipaglaban ang dapat ay para sa Malabon,” saad ni Sandoval sa Facebook post.

TELETABLOID

Follow Abante News on