WebClick Tracer

80 pamilya nasunugan sa Malabon

Nasunugan ang 80 pamilya sa Malabon City ngayong Huwebes ng madaling araw.

Nag-umpisa ang sunog sa 2nd floor ng isang bahay sa Brgy. Catmon, at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay, pahayag ni Senior Fire Officer 4 Rizaldy Evangelista.

Nag-umpisa ang sunog bandang alas-2:00 ng madaling araw.

Dalawampu’t limang bahay ang natupok ng apoy at 80 pamilya ang apektado.

Walang naitalang nasugatan o nasawi sa sunog.

Kasalukuyang pa ring iniimbestigahan ang insidente.

TELETABLOID

Follow Abante News on