WebClick Tracer

May dementia? Mocha Uson kinalampag Comelec sa kalusugan ni Binay

Kabilang si dating bise presidente Jejomar “Jojo” Binay sa inendorso ng Iglesia ni Cristo (INC) sa senatorial race para sa 2022 elections.

Nitong Miyerkoles, May 4 nanawagan si Mothers for Change (MOCHA) first nominee Mocha Uson sa Commission on Elections (Comelec) na tingnan ang health status ni Binay.

Nagbigay ng petisyon si Uson sa Comelec hinggil dito.

Ani Uson, nag-aalala siya sa posibilidad na ang isang nangungunang kandidato para sa Senado ay maaaring hindi na kayang gampanan ang kanyang mga tungkulin sa taumbayan bilang senador.

“May mga nakakarating na balita sa atin na si dating bise presidente Binay ay hindi na raw po nasa magandang kalagayan,” ani Mocha sa isang interview.

Nilinaw naman niyang hindi petition for disqualification ang kanyang inihain.

“Gusto lang po natin na gawin ng Comelec ‘yung kanyang mandato. Una ang mandato ng Comelec ay protektahan ang karapatan ng bawat Pilipino na bumoto. Pangalawa ay tukuyin din ang kakayanan ng isang kandidato,” saad niya.

Nang usisain si Uson tungkol sa kung anong nalalaman nito sa kondisyon ng kalusugan ni Binay, ibinalik niya ang tanong sa mga mamamahayag.

“May sinasabi ma’am na dementia,” saad ng isang reporter.

“‘Yun din po ‘yung nakarating sa amin,” saad naman ni Uson.

TELETABLOID

Follow Abante News on