WebClick Tracer

Kampo ni Binay ‘tinawanan’ si Mocha

“Laughable, pathetic, and desperate.”

Ito ang naging reaksyon ng kampo ni dating bise presidente Jejomar “Jojo” Binay sa panawagan ni Mothers for Change (MOCHA) first nominee Mocha Uson sa Commission on Elections (Comelec) na suriin ang kondisyon ng kalusugan ng senatorial candidate.

Ani Uson, may nakarating kasing balita sa kanya na hindi na raw nasa magandang kalagayan si Binay at may sakit na dementia. Ito raw ang dahilan kaya madalas absent si Binay sa mga kampanya.

Pero anang tagapagsalita ni Binay na si Joey Salgado, simula pa lang ng campaign period ay naging abala na si Binay sa kanyang mga kampanya at hindi sumasali sa mga campaign rally ng mga presidential candidate dahil iyon ang napagkasunduan bilang guest senatorial candidate ang dating vice president.

Hinimok din niya si Uson na bisitahin ang Facebook page ni Binay para makita ang mga ginagawa nito sa kampanya.

“This so-called petition is laughable, pathetic, and desperate. Nakakalungkot lang na merong mga gustong siraan ang pangalan ni VP Binay, na malinaw ang track record ng paglilingkod sa ating mga kababayan, dahil pasok siya sa Magic 12 sa senatorial race at sinusuportahan siya ng Iglesia Ni Cristo, kilalang political leaders at local officials, at ng marami nating kababayan,” saad ni Salgado.

TELETABLOID

Follow Abante News on