WebClick Tracer

Oil price rollback kasado ngayong Mayo 3

Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis sa Martes, Mayo 3.

Ayon sa ulat, ang Shell, Seaoil, Cleanfuel at Petro Gazz ay magbabawas ng P0.65 sa kada litro ng gasolina at P1.15 sa bawat litro ng gasolina.

Samantala, ang Shell at Seaoil ay magtatapyas ng P1.15 sa kada litro ng kerosene.

Wala pang anunsyo ang iba pang kompanya ng langis.

Sa kabila nito, lumalabas sa datos ng Department of Energy na P15.45 kada litro na ang itinaas ng presyo ng gasolina ngayong taon, habang P27.35 sa kada litro ng diesel at P21.55 sa presyo ng kerosene. (MJD)

TELETABLOID

Follow Abante News on