WebClick Tracer

‘Agaw pansin’: Jeremy proud kay Pia

Sobrang proud si Jeremy Jauncey habang pinapanood niya ang girlfriend na si Pia Wurtzbach na isa sa mga host ng Miss Universe Philippines 2022 pageant sa Mall of Asia Arena noong Abril 30.

Sa Instagram, pinuri ni Jeremy ang Miss Universe 2015 title holder.

Aniya, proud siya kay Pia at lagi lang umano siyang nakasuporta dito.

“Always proud supporting you. Raising your game again and again,” caption nito sa IG.

Sa IG story naman nito, sinabi niyang naging agaw pansin si Pia sa nasabing beauty pageant.

“She stole the show,” saad nito.

Noong kalagitnaan ng Abril, lumipad papuntang Pilipinas si Jeremy upang dumalo sa World Travel and Tourism Council global summit bilang isa sa mga tagapagsalita.

TELETABLOID