WebClick Tracer

Mga inmate sa kulungan namamaho, hindi makaligo

Hindi makaligo ang mga bilanggo sa isang kulungan.

Ayon sa New York Post report, ito’y dahil sa staff shortage sa isa sa mga kulungan sa South Dakota, U.S.A.

Dahil kulang sa mga tauhan sa South Dakota State Penitentiary sa Sioux Falls, hindi maaaring umalis ang mga bilanggo sa kanilang mga selda para mag-shower.

Paliwanag ni South Dakota Secretary of Corrections Kellie Wasko, kapag kulang sa mga tauhan ang kulungan, hindi nito makakayang pigilan sakaling magkaroon ng pag-atake ang mga inmate.

Sa ngayon ay tinatrabaho na raw ang suwelduhan, pag-recruit at retention issues sa mga tauhan ng kulungan.

TELETABLOID