WebClick Tracer

FEU Tamaraws tinaob DLSU Green Archers

Tumaas ang tsansa ng Far Eastern University Tamaraws na makapasok sa Final Fours matapos talunin ang De La Salle University Green Archers sa iskor na 67-62 nitong Martes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naitaas ng FEU dahil sa tatlong sunod na panalo ang kanilang record sa 6-6 dahilan para mapunta sila pang-apat na puwesto.

Nagpasiklab ng 21 puntos, 3 rebounds at 2 assists ang Rookie guard ng FEU na si RJ Abarrientos para bigyang daan ang pagkapanalo ng kanyang koponan.

Hindi naging maganda ang pagbubukas ng third quarter para sa Tamaraws na walang ipinasok na tira sa 13 attempts. Ngunit nakabawi naman dahil sa sunod-sunod na tres sa mga huling minuto ng laro.

Nag-ambag ng 14 points at 3 rebounds si Xyrus Torres ng FEU at 10 puntos naman mula kay Patrick Sleat.

Umiskor naman ang Green Archers na sina 15 puntos si Evan Nelle at 13 puntos naman si Justine Baltazar.

Sunod na makakapat ng Tamaraws ang Ateneo Blue Eagles sa April 28.

TELETABLOID