WebClick Tracer

Jackie Rice nagmaladiwata sa falls, sikreto ng kanyang pagiging blooming

Nagmistulang diwata sa ganda si Jackie Rice sa kanyang bagong Instagram post ngayong Linggo na pinayanig ang kanyang tagahanga.

Wagi ang talikod pose ng aktres sa waterfalls ng Negros Oriental at lutang ang kanyang ganda at kutis sa suot niyang white long backless dress.

Ayon sa kanya, maggo-glow ang indibidwal kung nasa tamang lugar at tamang tao ito.

“You glow differently when you’re in the right place with the right people,” aniya.

Biniro din niya na isama na rin ang mga ‘left’ para mas mag-glow.

“isama nadin natin ang left people para super mega glow,” dagdag niya.

Nagparinig din si Jackie sa mga taong bitter at puro negative sa buhay.

“syempre Yung iba bitter. Mas maraming time maging negative,” saad niya.

Dinagdag pa niya na wala siyang pakialam sa mga ito, saka nagpaalam.

Dahil doon nakakuha ng ideya ang netizens sa kanya kung paano maging blooming

TELETABLOID

Follow Abante News on