WebClick Tracer

Sa pagsabing bahay ni Marcos Jr. ang Malacañang: Mocha may patutsada kay Toni

Binatikos ni Mocha Uson ang pahayag ni Toni Gonzaga sa isang campaign rally ng UniTeam kung saan sinabi nito na malapit nang bumalik si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ‘tahanan’ sa Malacañang.

Sa isang Tiktok video, diretsahang sinabi ni Mocha na napaghahalatang walang alam sa public service ang aktres dahil sa sinabi nito.

“Gusto ko lang po magkomento sa sinabi ni Miss Toni Gonazaga. Alam niyo, Ma’am, hindi maganda ‘yang sinasabi ninyo, napaghahalataan na wala po kayong alam sa public service.

“Si Pangulong Duterte nga po ay sinasabi niya, na ang Malacañang ay kanya lang opisina. Hindi niyo po ito tahanan, ito ay pag-aari ng taong bayan,” saad ni Mocha sa nasabing video.

Aniya, parang sinasabi na rin umano ni Toni na babalik na ang pamilyang diktador sa Malacañang.

“At para sabihin mo na babalik na sa kanyang tahanan sa Malacañang si Marcos, ay parang sinabi mo na rin po na diktador ang kanilang pamilya na ginawa na talagang tahanan ang Malacañang noon. Umalis lang saglit at ngayon ay babalik muli para angkinin ito,” wika pa nito.

Dagdag pa ni Mocha, ang Malacañang ay opisina lang ng public servant at pagmamay-ari ng bawat Pilipino.

“Sana po, Ma’am, matututo kayo sa mga sinasabi ni Pangulong Duterte,” dagdag pa nito.

@mochausonofficial

Ang Malacañang ay opisina hindi tahanan

♬ original sound – mochauson

TELETABLOID

Follow Abante News on