WebClick Tracer

Holy week eme ni Atom: Mas mahirap intindihin ang mga aral ng nakaraan

Nag-trending ang mga tweet ni Atom Araullo nitong Huwebes Santo nang talakayin niya sa kanyang Twitter na ang kasaysayan ay hindi lamang para sa pagkakabisa ng mga pangalan, mga lugar, at mga petsa, kundi unawain ang aral nito.

Naipaskil niya ito nang kumalat sa mga social media ang mga maling sagot sa History Quiz Bee ng mga housemate ng Pinoy Big Brother Kumunity.

Sa kanyang post, sinabi niyang madali lang magkabisa ngunit mahirap intindihin ang aral ng kasaysayan.

“Holy week eme: astig nga naman kung kilala natin ang GOMBURZA, si Tandang Sora, at iba pang mahahalagang tao, lugar, at pangyayari sa ating kasaysayan. Pero hindi naman trivia game ang tunay na kaalaman. Madaling mag-memorize. Mas mahirap intindihin ang mga aral ng nakaraan,” sabi niya sa post.

Ika niya, hindi inaaral ang nakaraan kabisaduhin lamang ang mga pangalan, lugar, at petsa kundi unawain ang nagbago at alamin ang mga bagay upang maging mabuting mamamayan.

“Minsan kilala nga natin ang mga tao. Alam natin ang mga petsa (holiday pa nga yung iba). Pero doon na natatapos ang lahat. We don’t study history for a list of names and places, we do so to understand ourselves, understand change, acquire the tools to become better citizens, etc.,” pahayag niya.

Dugtong pa ni Araullo ay ang pag-aaral ng kasaysayan ay higit pa sa mga pangalan, mga lugar, at mga petsa.

“Yo, don’t get me wrong. This is not to say that we shouldn’t commit important historical details to memory. Heck that’s how my own education began. It’s just a gentle reminder that studying history, even on the level of basic education, goes way beyond names, places, and dates.” dagdag niya.

TELETABLOID

Follow Abante News on