WebClick Tracer

Oil price rollback sasalubong ngayong Martes

Muling magkakaroon ng oil price rollback ang mga kompanya ng langis bukas, Abril 12.

Ang Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil at Jetti ay magkakaltas ng P1 sa kada litro ng gasolina, at P0.35 sa bawat litro ng diesel.

Samantala, ang Caltex ay magtatapyas ng P1 sa bawat litro ng Platinum at Silver, at P0.35 sa bawat litro ng diesel. Ang kanilang kerosene naman ay mababawasan ng P3 kada litro.

Ang price adjustment sa Caltex ay kapareho lang din ng mga pagbabago sa presyo ng kompanyang Shell.

Ito na ang ikatlong oil price rollback ngayong taon. Wala pa namang abiso ang iba pang kompanya habang sinusulat ang istoryang ito.

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

TELETABLOID

Follow Abante News on