WebClick Tracer

Oil price rollback aasahan sa Abril 5

Mababasawan ang penitensiya ng publiko sa susunod na linggo dahil sa nakatakdang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy.

Ayon kay Romero, magkakaroon ng rollback sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene sa Abril 5 na makakabawas sa pasanin lalo na ng mga motorista at transport sector.

“Magandang balita sa darating na Martes April 5 na magkakaroon ng rollback o pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo gaya ng Gasolina, diesel at kerosene. Hindi po ako magbibigay ng numero or amount ,malay po natin mas malaki pa iyong ibigay na rollback ng mga industry para hindi nila gawin benchmark iyong numerong ilalabas ng Department of Energy ,” ani Romero.

Ibabatay aniya ang price rollback sa umiiral na presyuhan sa pandaigdigang pamilihan kung magkano ang import cost at foreign exchange sa panahon na binili ang produktong petrolyo.

“Katulad po ng basehan po natin for the past two weeks, halimbawa po iyong magiging adjustment this week ng April 5 na iyong linggong iyon bale po iyong week ng March 21 to 25 versus po iyong week last week ng March 28 to April kung anuman po iyong diperensiya sa dalawang nakalipas na linggo iyon po ang magiging adjustment for this coming week,” dagdag ni Romero.

Nagkataon aniya na sa nakalipas na dalawang linggo ay mababa ang presyo kaya may nakatakdang rollback sa susunod na linggo.

TELETABLOID

Follow Abante News on