WebClick Tracer

Singil sa kuryente posibleng tumaas

Inanunsyo ng Energy Regulatory Commission (ERC) na posibleng tumaas ang singil sa kuryente sa mga susunod na buwan dahil sa giyerang nagaganap sa Ukraine at pagtaas ng presyo ng coal bilang panggatong.

Ngunit ayon sa ERC, ginagawan naman nila ng paraan upang hindi ganoon kabigat ang epekto sa mga konsumer.

“Kung magkakaroon man ng increase, di naman ito yong tipong lahat na lang ng babayaran mapupunta sa kuryente at wala nang maiiwan sa pagkain,” pahayag ni ERC Chairperson Agnes Devanadera.

Minumungkahi ng ERC na iwasan na ang fossil fuel tulad ng mga plantang coal bilang panggatong dahil sa konsumer lang din pala sinisingil ang pagtaas ng presyo.

TELETABLOID

Follow Abante News on