WebClick Tracer

Pati negosyo damay! Toni, Alex apektado ng pulitika

Naging apektado na maging ang negosyo ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga dahil sa pulitika.

Ito ang pinag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa bagong episode ng “Cristy Ferminute.”

Si Toni ay kilala bilang masugid na sumusuporta sa kandidatura ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Fermin, dahil sa pagpapakita ng suporta kay Marcos Jr., marami umano sa basher ng aktres ang nangdadamay sa kanilang negosyo na milktea shop.

Nariyang, binatukan ng mga basher ang standee ng magkapatid sa labas ng kanilang mga shop.

Tinitiridor din umano ng mga ito ang pangalan ng kanilang negosyo.

“Alam naman po natin na meron silang negosyo, ‘yung Happy Cup.

“Tama po ba na ‘yung standee nila ay binabatukan para bumagsak? Tama po ba na parang tinitirador ang pangalan ng kanilang negosyo? Tama po ba na personalin natin dahil hindi nila kasama sa kulay pulitika si Alex at saka si Toni?” pahayag ni Fermin.

Saad pa ng Abante columnist, tigilan na ang pambabatikos kina Toni at Alex dahil nagtatrabaho naman nang maayos ang mga ito.

Malaki rin umano ang tulong ng milktea shop sa paghahanap buhay ng dalawa.

“Sana naman po, walang ganu’n kasi nagtatrabaho naman po nang patas ‘yung magkapatid. Naghahanapbuhay naman po sila at malaki ang naitutulong sa kanila ng Happy Cup. E bakit naman po natin idadamay ang walang kakibo-kibong lalagyan ng inumin?” sey pa ni Fermin.

TELETABLOID

Follow Abante News on