WebClick Tracer

Answered prayer? JC de Vera napaiyak sa pag-renew kontrata sa ABS-CBN

Hindi napigilan ng aktor na si JC de Vera ang maging emosyonal matapos niyang mag-renew ng kontrata sa Kapamilya Network.

Kasama ni JC pumirma nitong Miyerkoles, Marso 23, ang iba pang ABS-CBN artist na sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid.

Nangilid ang luha at gumaralgal na ang boses ni JC habang pinapasalamatan ang kanyang mga boss.

“First of all gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN for always giving opportunity sa akin sa mga boss na nandito ngayon, maraming-maraming salamat for trusting and believing in me.

“Sa lahat ng nangyari for the past few years, ahhm, nakakaiyak naman Sir. Ahh, marami tayong pinagdaanang challenges. Naiyak ako hindi ko masabi,” iyak-tawang sambit ni JC.

Samantala, tinuturing din ni JC na “answered prayer” ang pag-renew ng kontrata dahil ang pag-arte talaga umano ang gusto niyang trabaho.

“Wow! Answered prayer para akong nabunutan ng tinik na matutuloy namin ‘yung normal naming buhay kasi ito ‘yung normal para sa akin, acting, magtrabaho.

“Makapagbigay ng tulong sa mga pamilya. Iyon talaga kaya mga sir, mga ma’am maraming salamat for still trusting and for keeping me,” dagdag pa nito.

(Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

TELETABLOID

Follow Abante News on