WebClick Tracer

Panelo kay Sharon: Hindi mo kailangang mag-sorry

Kung si senatorial aspirant Salvador Panelo ang tatanungin, hindi kailangang mag-sorry ni Sharon Cuneta sa kanya matapos siyang pagbawalang kantahin ang hit song ni Megastar na ‘Sana’y Wala Nang Wakas’.

Ayon kay Panelo, hindi siya nasaktan sa mga sinabi ni Sharon at siya pa ang nagso-sorry sa actress/singer kung na-offend niya ito.

“I don’t want to assume that your apology is for me because I was not named, but no apology for me is necessary. I was not hurt,” wika ni Panelo.

“I just felt sad that you felt slighted or offended, and I apologize for that. I had no intention to do that at all,” panimula,” lahad pa ng dating chief presidential legal counsel.

Muling pinaliwanag ni Panelo na ang pagkanta niya ng ‘Sana’y Wala Nang Wakas’ ay tribute para sa kanyang anak na si Carlo.

“It just so happened that ‘Sana’y Wala Nang Wakas’ holds a special place in my heart, and that’s why I chose it. I have been singing it for a long time for my special child, Carlo,” sambit pa ng abogado.

TELETABLOID

Follow Abante News on