WebClick Tracer

Tony Labrusca abswelto sa kasong pangmamanyak

Malinis na umano ang pangalan ng aktor na si Tony Labrusca matapos kasuhan ng acts of lasciviousness noong nakaraang taon.

Batay ito sa post ng kanyang abogada na si Atty. Joji Alonso.

“In a Resolution dated March 17, 2022 penned by Judge Xavier Paolo Del Castillo, Makati City Prosecutor Dindo Venturanza’s Motion to Withdraw Information filed in the case of our client @tony.labrusca, was granted,” saad ni Atty. Joji sa kanynag Instagram post nitong Biyernes.

“The court affirmed the findings that there was no probable cause for the complaint of act of lasciviousness. The charge imputed against him was found to have no basis,” dagdag pa niya.

“After observance of due process, Tony Labrusca has been cleared of profoundly damaging judgments that has tarnished his name,” saad pa sa post.

“This vindication attests to how gravely he was falsely accused. We laud the justice system for ensuring a resolution in the most expeditious manner,” pagtatapos ng abogada.

Ang nagsampa ng kaso laban kay Tony ay ang babaeng kaibigan ng isang Drake Justin Ibay. Hinipuan umano ng aktor ang babaeng kaibigan ni Drake noong Enero 16, 2021 habang nasa isang party.

Gayunman, limang buwan pa ang lumipas, o Hunyo 4, 2021, nang pormal na sampahan ng kaso si Tony. (MJD)

TELETABLOID

Follow Abante News on