WebClick Tracer

Mocha lumipat na kay Isko, sumama sa Cavite rally

Matapos maging masugid na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, lumipat na nang kampo ang dating sexy star at ex-government official na si Mocha Uson.

Present si Mocha sa naging campaign rally ni Manila Mayor Isko Moreno sa Cavite nitong Biyernes, at doon nilantad ng dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy administrator na susuportahan niya ang kandidatura ni Moreno.

“Nag-switch to Isko na rin po ako,” sambit ni Mocha.

“Alam niyo ba Mayor, taga-Maynila ako, binoto kita. At alam niyo po, nakita ko po ‘yung bilis kilos,” pagbida pa ni Mocha sa alkalde. “Yung iba po, pinapangako pa lang nila, nagawa na po ni Mayor Isko yan sa Maynila. Yung iba po puro po pangako, pero siya po ay kilos.”

Nilarawan din ni Mocha na ‘batang Pangulong Duterte’ umano si Moreno.

Si Mocha ay tumatakbo rin ngayong eleksyon bilang nominee ng Mothers for Change party-list.

TELETABLOID

Follow Abante News on