WebClick Tracer

Cristy Fermin: Kiko sabit sa banat ni Sharon kay Panelo

Hindi lang si Sharon Cuneta ang naapektuhan matapos patamaan ni ‘Megastar’ si Atty. Salvador Panelo sa pagkanta ng kanyang na ‘Sana’y Wala Nang Wakas’.

Sa Abante column ni Cristy Fermin, sinabi nito na marami ang bumawi sa kanilang pagsuporta kay Senador Kiko Pangilinan na tatakbo sa pagka-bise presidente sa Mayo.

Aniya, ito’y dahil sa naging post ni Sharon kung saan binawalan niya na awitin ang kanyang mga kanta para sa ibang kandidato, at exclusive lang daw ito para sa tambalan ni Vice President Leni Robredo at kanyang mister.

“Nakakalungkot lang na sa halip na makakalap siya ng boto para sa kanyang mister ay baligtad pa ang nangyari,” lahad ni Fermin.

“Maraming bumitiw ng pagsuporta kay Senador Kiko Pangilinan nang dahil lang sa kanyang pagpo-post nang hindi kagandahang mensaheng ikinagalit ng ating mga kababayan,” aniya pa.

Sambit pa ng beteranang kolumnista, huwag na sanang ulitin ni Sharon ang maling ginawa at palampasin na lang ang ibang bagay para hindi mapahamak.

Binura na ni Shawie ang post tungkol kay Panelo, at sinabing ‘good vibes’ na lang ang kanyang gustong maramdaman.

TELETABLOID

Follow Abante News on