WebClick Tracer

Rollback inaasahan sa susunod na linggo

Inaasahan ng Independent Philippine Petroleum Companies Association (IPPCA) ang posibilidad ng pagkakaroon ng oil price rollback sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ni IPPCA chairman emeritus Dr. Fernando Martinez, mula P2 hanggang P3 kada litro ang maaaring itapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

“More or less mga P3 [per liter] sa ngayon ha, pero hindi mo masasabi kasi hanggang Friday pa ‘yan eh. Basta maganda pababa, mga P2 to P3 as of today,” wika ni Martinez sa panayam ng Dobol B TV ngayong Miyerkoles.

Nitong Martes ay naitala ang ika-11 sunod na linggo ng pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.

Sa ngayon, halos nasa P90 na ang kada litro ng diesel at gasolina sa ilang gas station.

Wika pa ni Martinez, magkakaroon din ng paggalaw sa presyo ng liquefied petroleum gas, na malalaman sa katapusan ng Marso. (MJD)

TELETABLOID

Follow Abante News on