WebClick Tracer

Pag-alis ng ultimatum sa mga BPO, makabubuti sa industriya – Legarda

Sinuportahan ni dating Senador Loren Legarda ang panawagan ng mga kompanya ng business process outsourcing (BPO) na pansamantalang tanggapin ang ultimatum na nag-aatas sa kanilang manggagawa na pisikal nang magbalik trabaho simula Abril 1, 2022.

Bilang principal author ng House Bill No. 6864 o Better Normal for the Workplace, Communities and Public Spaces Act, isinusulong ni Legarda ang payagan ang pribadong sektor na ipatupad ang alternatibong work arrangement na magbabalanse sa pangangailangan sa pagpapatuloy ng operasyon ng negosyo habang tinitingnan din ang kapakanan ng kanilang mga manggagawa.

Ilan sa mga alternative arrangement ay work-from-home schemes at pagpapatupad ng rotation work o shifting ng mga iskedyul.

“This is still what we are aiming for because even if many, if not most, of our workers have already been vaccinated, we continue to face health risks caused by the pandemic, specially given the mutating nature of the virus giving way to new forms that continue to pose threats to public health,” sabi ni Legarda.

“Moreover, and unfortunately, we now have other factors to consider aside from COVID-19: the unexpected oil price hike caused by the Russo-Ukrainian crisis which now affects the prices of our basic commodities, and the climate crisis which is expected to get even worse if we do not take drastic measures such as reducing our total carbon footprint,” dagdag pa niya.

Sabi ni Legarda, ang pagbabagong ito ay nakasanayan na sa mga lugar ng trabaho sa nakalipas na dalawang taon nang magsimula ang pandemya.

Ang Working from home (WFH) ay napatunayan ding epektibong pamamaraan para mabawasan ang health risk at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 na hindi makakasakit sa ekonomiya.

Dahil sa WFH arrangement, nagawang mabuhay ng ekonomiya ng bansa sa nakalipas na dalawang taon.

Kung pansamantalang tatanggalin ang ultimatum, makakatulong ito sa 1.3 milyong manggagawa ng BPO para hindi indain ang epekto sa kanila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasoline.

“Let us continue supporting our BPO workers, and if allowing them to continue the WFH arrangement gives them the comfort and safety they need to continue doing their jobs effectively, and if doing so does not hurt or cost the government anything, as public servants, we ought to do that,” ani Legarda. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on