WebClick Tracer

Panelo kay Sharon: Patuloy aawitin ‘Sana’y Wala Nang Wakas’

May naging sagot si senatorial candidate Atty. Salvador Panelo ukol sa negatibong reaksyon ni Mega Star Sharon Cuneta sa pagkanta niya ng ‘Sana’y Wala Nang Wakas’.

Kamakailan kasi ay nag-post si Sharon ng kaniyang naramdaman nang malamang kinanta ni Panelo ang nasabing awitin sa campaign activity ni vice presidential candidate Davao Mayor Sara Duterte.

“Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic. I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. Lol,” post ni Sharon.

Dahil dito, humingi ng tawad si Panelo kay Mega Star sa naramdaman nitong pangingilabot.

“I’m sorry she feels that way,” pahayag ni Panelo sa kaniyang social media.

Paliwanag pa ni Panelo, paborito niya umano ang ‘Sana’y Wala Nang Wakas’ dahil naaalala niya sa kanta ang kaniyang yumaong anak na may Down Syndrome.

“It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took to care for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song.

“I also thought I was paying homage to the composer, the late Willy Cruz and of course, to Ms. Sharon Cuneta, by singing it,” paglilinaw nito.

Aniya pa, “I wasn’t profiting from it, and certainly not trying to get elected by singing it. I was just trying to entertain the people who took time out of their busy lives to see and listen to us. I don’t understand what’s so offensive about that.”

Dagdag pa ni Panelo, may permiso naman umano siya sa Viva Records kaya ipagpapatuloy niya ang pagkanta sa ‘Sana’y Wala Nang Wakas’.

“In any case, I did reach out to the copyright owner, Viva Records, and they’ve confirmed that I have permission to sing the song. I will continue to sing it, and will now use it to raise awareness for the plight of children with special needs. As the song goes: ‘Kahit ilang awit ay aking aawitin, hanggang ang himig ko’y maging himig mo na rin’,” saad pa nito.

Ang ‘Sana’y Wala Nang Wakas’ ay inawit ni Sharon at nilikha ng yumaong composer na si Willy Cruz.

TELETABLOID

Follow Abante News on