WebClick Tracer

Sotto gustong pamunuan ang DDB, DILG

Kung mahahalal bilang bise presidente sa Mayo, nais ni Senate Presidente Vicente Sotto III na pamunuan ang Dangerous Drugs Board (DDB) at Department of Interior and Local Government bilang miyembro ng gabinete.

Ayon kay Sotto, kung hahawakan aniya niya ang naturang mga ahensya, maipapatupad niya nang maayos ang mga probisyon sa ilalim ng umiiral nating batas laban sa iligal na droga.

“The present situation calls for the attention of government to the problem of drug abuse, not just illegal drugs. Those are two different animals. Kapag ang inasikaso mo lang ay ‘yung supply-reduction strategy na enforcement lamang at may kakulangan sa prosecution, you will never solve the problem of illegal drugs,” pahayag ni Sotto sa CNN Philippines Vice Presidential debate noong Sabado.

“But if you concentrate on prevention and rehabilitation, which is partly the demand-reduction strategy that is necessary to combat it, I feel we will be able to complete and implement well the laws that we have passed before,” dagdag pa ng lider ng Senado.

Ang DARE ay isang umiiral na programa na ipinatutupad ng DDB katuwang ang Philippine National Police at mga lokal na pamahalaan.

Sa ilalim ng administrasyong Lacson-Sotto, palalawigin ang programang ito bilang bahagi ng kanilang pangkalahatang istratehiya upang masugpo ang problema sa iligal na droga.

TELETABLOID

Follow Abante News on