WebClick Tracer

Kagaya ni Nora, Robin! Lolit kapag tumakbo Vice sa pulitika: Baka matalo lang

Ibinahagi ni Lolit Solis ang kanyang saloobin sa rebelasyon ni Vice Ganda na tinanggihan niya ang mga alok para sa kanya na tumakbo sa pulitika.

Pinuri ni Lolit si Vice sa naging desisyon nito na manatiling nagpapasaya ng madlang pipol.

Aniya, wala rin umanong katotohanan na kapag sikat kang celebrity ay mananalo ka sa eleksyon.

Kagaya na lang umano ni Nora Aunor at Robin Padilla, kahit sikat ang mga ito ay hindi pa rin sila nanalo.

“Hindi rin naman tutoo iyon paniwala ni Vice Ganda na dahil popular siya puwede na siyang manalo sa eleksiyon, Salve. “Naalala ko ng tumakbo nuon sila Nora Aunor at Robin Padilla, pati iyon ibang artista na popular din, pero natalo. Kahit pa nga kasi very popular ang isang artista, hindi ibig sabihin pagtitiwalaan na siyang humawak ng posisyon ng tao,” pahayag nito sa Instagram.

“Puwede na gusto ka lang mapanuod sa sine at TV, pero ayaw nilang makita kasa congress o senate. Kaya iyon sinasabi niya na tiyak mananalo siya dahil sa dami ng mga followers niya, huwag asahan ni Vice Ganda. Siguro ng tumakbo sila Nora Aunor at Robin Padilla that time, iyon din nasa isip nila, pero nabigo sila. Saka tutoo din iyon sabi ni Vice Ganda, ano ang gagawin niya pag nanalo, mag comedy act sa congress o senado, siyempre hindi,” dagdag pa ni Lolit.

Hirit pa nito, hanga siya kay Vice dahil alam nito ang mga bagay na kaya niyang gawin at hindi kayang gawin.

Swerte rin aniya si Ion Perez dahil nakatagpo ito ng isang Vice Ganda.

TELETABLOID

Follow Abante News on