Angat sa lahat ng kandidato sa pagkapangulo ang diretsahan at matalinong pagsagot ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson sa maiinit na tanong, alegasyon, at mga isyung tinalakay sa presidential interview ng GMA News.
Ito ang trending topic sa social media matapos ang panayam ng multi-awarded journalist na si Jessica Soho sa apat na kandidato sa pagkapangulo kaugnay sa parating na Halalan 2022 sa Mayo.
Hanga ang mga netizen sa pagsagot ni Lacson hinggil sa kung ano ang nakikita niyang problema sa bansa at kung paano ito masosolusyunan. Tulad ng lagi nang inihahayag ng presidential candidate ng Partido Reporma, ang ugat at solusyon sa mga problema sa ating bansa ay nasa gobyerno rin.
“Ang isang kamalian nating mga Pilipino: tumigil tayo na mangarap. We have become dreamless, hopeless and helpless. Ang dapat dito baguhin ‘yung attitude ng ating mga kababayan sa ating gobyerno. Kaya nga dapat ang manguna sa pagbabago ng attitude ng mga Pilipino ‘yung gobyerno mismo,” ayon kay Lacson.
Umingay din sa social media ang mga komento ni Lacson sa ‘Isang Salita’ segment ng programa. Pinakapinag-usapan ang pagtawag niya na “Sayang” kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa tinaguriang ‘Dolomite Beach’ sa Maynila na dinugtungan niya pa ng “Sayang pera”.
Ayon sa netizen na si Asoy Salonga (@IamAsoy), “That ‘sayang’ and ‘naku’ of Ping Lacson are also some of the people’s answers. Props to him, he is confident despite the fiery questions. In fairness to him. Also props to him for attending the interview despite having Covid the past few days.”
“One of the highlights for me was Ping Lacson’s ‘sayang’ when shown the photo of Duterte. I felt that. Sabay lumabas si Tyra Banks: “I WAS ROOTING FOR YOUUU!” tweet naman ni Martin (@martingeneral).