WebClick Tracer

Vlogger ‘nag-propose’ kay Apo Whang-Od

Hindi inatrasan ng YouTube vlogger na si Alieneo TV ang hamon na magpa-tattoo kay Apo Whang-Od ng Buscalan, Kalinga.

Sa kanyang huling vlog, nilakbay ni Alieneo kasama ang kanyang mga tropa ang bulubundukin ng nasabing probinsya upang matunton si Whang-Od, ang 104-taong gulang na sikat sa pagiging traditional tattoo artist.

Ngunit bago magpa-tattoo, binigay ni Alieneo ang suot niyang sing-sing kay Whang-Od, na hindi naman tinanggihan ng ‘mambabatok.’

Hindi man ganun kalaki ang tattoo na iginuhit ni Whang-Od sa kanyang dibdib, napangiwi pa rin si Alieneo dahil sa sakit.

Sa huli, tagumpay naman niyang nairaos ang ilang minuto na pagpapatattoo sa ilalim ni Apo Whang-Od. (MJD)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

TELETABLOID

Follow Abante News on