WebClick Tracer

Coast Guard personnel binoga sa Pangasinan

Isang kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) ang binaril ng ‘di pa nakikilalang suspek sa Sual, Pangasinan noong Enero 11.

Kinilala ang biktima bilang si CG Apprentice Seaman Angelo Martinez, 23-anyos.

Ayon sa press statement ng PCG ngayong Huwebes, binaril si Martinez sa kahabaan ng West Corner Bolaoen Road sa nasabing bayan dakong alas-11:45 ng gabi.

Nagkaroon pa umano ng pag-uusap sa pagitan ng biktima at ng suspek bago barilin si Martinez sa kaliwang bahagi ng kanyang bibig at humandusay sa tabi ng kanyang motorsiklo.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng calibre 9mm na baril.

Dinala pa sa pagamutan ang biktima ngunit binawian na rin ng buhay.

Kinondena naman ng PCG ang pagpatay kay Martinez.

“He will not be able to achieve his dreams and aspirations anymore as he was ruthlessly slayed by a still unknown gunman. Rest in peace, CG ASN Angelo Martinez. My snappy salute to you. Salamat sa serbisyo mo sa bayan, anak,” pahayag ni PCG District Southern Tagalog Commander, CG Commodore Genito B. Basilio.

Nilarga naman ng mga awtoridad ang hot pursuit operation upang makilala at mahanap ang salarin. (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

TELETABLOID

Follow Abante News on