WebClick Tracer

Bangkay 2 construction worker natagpuan sa kanal sa Cotabato

Natagpuang palutang-lutang sa isang kanal ang dalawang katawan ng construction worker sa M’lang, Cotabato.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer Bernardo Tayong, natagpuan ng mga residente ang bangkay nitong Biyernes ng umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Boboy, residente ng Barangay San Vicente, at Nino Tamunan, residente sa bayan ng Magpet.

Sinabi ni Tayong, nagtamo ng sugat sa ulo ang dalawa.

Nakuha rin sa tubig sa hindi kalayuan ang isang motorsiklo.

Galing umano ang dalawa sa post-New Year celebration na isinagawa ng kanilang amo.

Dagdag ni Tayong, posible umanong nalaglag ang dalawa sa kanal habang pauwi galing sa selebrasyon.

Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. (Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

TELETABLOID

Follow Abante News on