WebClick Tracer

Quarantine ng mga health worker iniksian

Binawasan ng Inter-Agency Task Force ang quarantine period para sa mga fully vaccinated health care workers.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na tatagal na lamang ng hanggang limang araw ang quarantine para sa health care workers na fully vaccinated mula sa dating 10-14 na araw matapos aprubahan ang rekomendasyon sa pulong ng IATF.

Ang Hospital Infection Prevention and Control Committees ang binigyan ng awtorisasyon ng IATF para magpatupad ng bagong panuntunan sa quarantine protocol para sa healthcare workers.

“Inaprubahan ng IATF ang recommended policy shift sa quarantine at isolation to implement shortened quarantine protocols of five days for fully vaccinated healthcare workers consistent with healthcare capacity needs and individualized risk assessment,” ani Nograles.

Inaprubahan din ng IATF ang home isolation para sa mga nagpositibong indibidwal na asymptomatic at mayroong mild o moderate na sakit ng hanggang sampung araw, bakunado man o hindi habang 21 araw naman na home quarantine para sa mga may malalang sintomas.

Para naman sa mga indibidwal na fully vaccinated at nagkaroon ng closed contact o na-exposed sa isang COVID positive, kinakailangan nilang mag-quarantine ng pitong araw o depende sa payo ng doktor.

Ang mga hindi pa kumpleto sa bakuna o hindi pa bakunado na nagkaroon ng closed contact ay obligadong mag-quarantine ng 14 na araw.

TELETABLOID

Follow Abante News on