WebClick Tracer

Laro ng PBA ngayong linggo kanselado

Kinansela ng PBA ang mga laro sa Governors’ Cup na naka-schedule ngayong linggo matapos isailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Ang mga naunang laro ng torneo ay ginanap sa Araneta Coliseum kung saan nagpapasok na ng mga manonood.

At ngayong Enero sana ay balak ng liga na idaos ang mga laro sa MOA Arena, ngunit bigla na namang sumirit ang mga COVID cases.

Sa ngayon, humingi muna ng permiso ang liga sa Games and Amusements Board (GAB) para sa susunod na hakbang ng torneo.

Bukod sa GAB, kailangan ding hingin ng PBA ang permiso ng lokal na pamahalaan kung saan nila balak ganapin ang mga laro.

Ang Alert Level 3 sa Metro Manila ay magtatagal hanggang Enero 15. (mjd)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

TELETABLOID

Follow Abante News on