WebClick Tracer

Maxene sa mga ‘Marites’: Magdasal na lang kaysa mag tsismisan

Mukhang naimbyerna na si Maxene Magalona sa mga “Marites.”

Panay kasi ang tanong ng mga nito kung hiwalay na ba sila ng asawa niyang si Rob Mananquil.

Hindi na kasi nagpo-post si Maxene ng larawan nila ng kaniyang asawa.

Sa Instagram post ng aktres, sinagot niya ang mga tsismosa.

“I’ve been receiving A LOOOT of questions about my personal life so I would just like to share a few things which I believe we can all learn from,” caption ng aktres sa Instagram.

“1. It is not polite to ask people about their personal lives especially when you don’t know them personally. And even if you DO know them, you should give them space and wait for them to open up to you instead of prying and wanting to invade their privacy,” ani Maxene.

Aniya, hindi kailangang ibunyag ang kaniyang personal na buhay dahil lang umano artista siya.

Dagdag pa niya, ang pakikipag-tsismisan ay nakakasayang lang umano ng energy.

Pinaalalahanan din nito ang mga tsismosa na magdasal na lang.

““6. It’s better to spend your energy praying rather than gossiping.”

Sa ngayon, dumadaan na sa self-healing process ang aktres matapos nitong magkaroon ng mental health problem.

TELETABLOID

Follow Abante News on