WebClick Tracer

Buzzer-beater ni DeRozan nagpabagsak sa Wizards

Sa ikalawang sunod na laro ay muling namayani si DeMar DeRozan sa isang buzzer-beating three-pointer upang ibigay sa Chicago Bulls ang 120-119 panalo kontra Washington Wizards ngayong Linggo.

Ibinigay ni Kyle Kuzma ang lamang sa Wizards sa kanyang tres, 119-117, na nag-iwan ng 3.3 segundo sa laban.

Dito na muling bumida si DeRozan.

Kinuha ng beteranong guwardiya ang inbound pass at pumeke muna bago bitawan ang left corner three, na nagpatahimik sa buong homecourt ng Wizards.

Tumapos si DeRozan ng may 28 points, na sumuporta sa matikas na laro ni Zach LaVine na kumana ng 35 points.

Matatandaang kahapon lang ay naipanalo rin ni DeRozan ang Bulls laban sa Indiana Pacers sa isang buzzer-beater na tres. Dahil dito, siya ang unang player sa kasaysayan ng NBA na nakabuslo ng game-winner sa dalawang sunod na araw.

Nanguna naman para sa Wizards si Kuzma na tumapos ng may 29 points at 12 rebounds.

TELETABLOID

Follow Abante News on