WebClick Tracer

Bagsik ni Obiena kinilala ni World Athletics

Swak sa listahan ng World Athletics si EJ Obiena bilang isa sa mga top performer sa nagdaang taon na 2021.

Ayon sa anunsyo ng World Athletics, ang 5.93 metro na record ni Obiena sa 17th International Golden Roof Challenge ang pangatlo sa top performances para sa nagdaang taon.

Ang 5.93 metro ng Pinoy pole vaulter sa nabanggit na torneo na ginanap noong Setyembre ang bumasag sa Asian record.

Katabla naman ni Obiena sa ikatlong pwesto sina Sam Kendricks ng US at Timur Morgunov ng Russia.

Si Obiena ay naging kinatawan din ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.

TELETABLOID

Follow Abante News on